Middle East Filipinos

My Saudi experience

Posted by Admin on March 3, 2007

Kung di ka pa nakarating ng Saudi Arabia, eto ang mga halimbawa ng mga kakaibang aking napuna sa loob nga dalawang taon kong pag ta-trabaho sa Jeddah.

  • Naka Pajero, Suburvan, Patrol o Hilux ang mga nagpapastol ng tupa. Ayon sa aking nabasa sa local na pahayagan doon ang transpormasyon ng Saudi na ito ay kanilang tinatawag na “from camel to cadillac”.
  • Mas mura ang diesel kaysa tubig, mabibili ang 1 liter ng bottled water sa halagang 26 pesos (2 riyals) samantalang ang 1 liter ng Diesel ay 6.5 pesos 50 halalas (1 riyal equals to 100 halalas).
  • Ang dayuhan ang laging may sala kahit siya ang binangga. Ang paliwanag nila dito, kung hindi ka pumunta ng bansa nila, hindi ka sana nila nabangga.
  • Ang mga banko ay may ladies’ branch kase di pwedeng pumasok ang mga babae sa bangko na may lalake.
  • Pag nakulong ang lalaki, ang payo ng matatagal na sa Saudi “bring oil”, ewan ko kung bakit.
  • Iisang klase lang ang suot ng mga babae na tinatawag na abaya, ito ay kulay itim na balot mula ulo hanggang papa.
  • Pag umiling ang mga Indian nationals ang ibig sabihin nito ay “yes” sa atin ito ay “no”.
  • 90% ng mga tao dito ay may balbas o bigote.
  • Bawal magsuot ng crucifix, magbasa ng bibliya, o mag display ng mga signs ng cross kase puputilin yun ng mga authoridad.
  • Dalawang klase ang pulis, pangkaraniwang pulis at mga “mutawa” o religious police. Ang mga “mutawa” ang naninita ng mga taong lumalabag sa Islam.
  • May mga restoran na di pwedeng pumasok ang mga babae.
  • Ang mga security guard sa banko ay walang baril.
  • Ang bilihan ng mga ginto ay parang tiangge lang at walang security guard
  • Bawal pumasok ang mga lalaki sa beauty parlor.
  • Walang metro ang taxi, pwede kang tumawad.
  • Sa ospital pwede mong kausapin ang mga babae, kaya ang sabi-sabi ang ibang lalake ay nagpapa check-up kahit walang sakit.
  • Pag lalaki ka at walang bigote mag-ingat ka baka ma-rape ka.
  • Napakababaho ng ibang lahi, sabi nga ng mga pinoy “don’t smoke within 5 meters from them baka sumabog”.
  • Bawal ang sugal pero may pasabong at pa-lottery ang mga pinoy.
  • Bawala ang alak pero may “brewery” o gawaan ng alak ang mga mighty pinoys.
  • Kapag napagbintangan ka ay ikukulong ka agad at papalayin ka lang kung mapapatunayan na di totoo ang bintang.
  • Putol ulo ang pasura pag ikaw ay nahulihan ng droga, pumatay o nanggahasa.
  • May pinuputalan ng ulo sa plaza sa Balad, Jeddah pag Friday.
  • Limang beses kada isang araw nagsasasarado ang mga restaurant, bangko at mga tindahan para mag dasal o “salah”.
  • Pangkaraniwan na kung makakita ka ng nag darasal sa gilid ng kalsada.
  • Walang talipapa, iisa lang ang bilihan ng isda, at least maayos di ba?
  • Minsan lang sa isang buwan mag-pasweldo di gaya sa Pilipinas na kinsenas at katapusan.
  • Walang kinakaltas na tax sa sweldo.
  • Dapat dala-dala mo lagi ang ID mo na kung tawagin ay “iqama”, dahil pag nahuli kang di dala ito malaking trouble.
  • Uso ang kalbo sa Saudi kase mainit ang tubig.
  • May pasok tuwing pasko at bagong taon, boring di ba?
  • Nagbabatian ang mga Filipino kahit di magkakakilala sabay bati ng “Kabayan”.
  • Sa Balad, Jeddah may naglalako ng balot at puto.
  • Dati bawal ang celphone na may camero, pero ngayon pinapayagan na.
  • Ang pera ay Riyal at ang palitan nito sa dolyar ay hindi nagbabago.
  • Sobrang init sa summer at napakalamig naman pag winter.
  • Pag may naaksidente wag mong tulungan, hintayin ang pulis na dumating kase pag namatay ang naaksidente baka mapagbintangan ka pa.
  • Sa kanilang kalendarayo na kung tawagin ay Hijira Calendar ang taon sa kasalukuyan ay 1428 pa lang sa Greogorian calendar na ating ginagamit ito ay 2007.
  • Sabado ang simula na pasok at walang pasok pag Byernes.
  • Pwede kang tumawad sa mall.
  • Dahil sa sobrang init lahat ng bahay o gusali ay may aircon, kahit toilet at kusina.
  • Ang tawag sa mga Filipino babae man o lalaki ay “pare” o “filibini” ang tawag naman ng mga Filipino sa kahit anong lahi ay “sadik” ang arabic translation ng kaibigan.
  • Bawal ang baboy, alak at sugal.
  • Ang pagsusulat nila ay simula sa kaliwa pakanan.
  • Bawal mag-usap o maglakad ng magkasabay ang babae at lalake sa publikong lugar kung hindi naman mag-asawa.
  • Bawal sumakay ang babae sa front pasenger’s seat ng sasakyan kung hindi naman niya asawa ang driver.
  • Kinukulayan ng itim ang mga magazines, ads o mga larawan na nagpapakita ng legs, binti o leeg.
  • Walang sinehan, pero nabasa ko sa internet na naaprubahan na ang pagpapalabas ng cartoons sa public places.

5 Responses to “My Saudi experience”

  1. shu said

    helo

  2. brenli said

    grabeng higpit naman skanila…why dont they try to be more open to changes para mas mgnda…

  3. gilda said

    yup true ka jan admin. pakopya po post ko sa ibang site.🙂

  4. […] in Saudi Arabia, it pays to learn from the experience of those who have been there. In the blog Middle East Filipinos, batangbalete lists down the things he’s learned after two years of working in Jeddah – […]

  5. ayumi said

    Nag-enjoy ako sa pagbabasa ng experiences mo. =_

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: