Middle East Filipinos

Bayaning buhay

Posted by Admin on April 9, 2007

Sa araw na ito ay ginugunita ang Araw ng Kagitingan, sa araw na ito ilang dekada na ang nakararaan ay maraming Filipino ang nagbuwis ng buhay para sa kalayaan at kasarinlan ng bansang Pilipinas.

Ang mga taong nakiisa noong mga panahon na iyon ay maituturing na bayani, mga bayani ng nakalipas na panahon, at ayon din sa ating gobyerno ay tayo (OFW) ang mga makabagong bayani sa kasalukuyan. Milyong OFW ang nakakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa milyong dolyar na remitances na ipinapadala natin sa ating mga mahal sa buhay kapalit ng nakakabaliw na homesick na dumadapo sa bawat pinoy na nasa ibang bansa.

Ako ay hindi laban sa pag-gunita sa ating itinuturing na mga bayani ng nakalipas na panahon, nararapat ang ginagawa nating pagpapahalaga sa kanilang mga ginawa sa pamamagitan ng pag-aalala sa kanila, ngunit sana ay atin ding isama sa mga aalalanin sa araw ito ang mga bayaning buhay na mas magbibigay ng solusyon o suhestiyon sa ating mga problema gaya ng OFW, magsasaka, guro, mga sundalong may prinsipyo, pulitikong may puso at mga iilang modelong mamamayan.

Ang mga bayaning buhay ay dapat nating bigyan ng mas malaking suporta dahil may malaking kaugnayan sila sa hinaharap at bawasan ang pagpupugay sa mga bayaning patay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: