Middle East Filipinos

Visit visa renewal, how many times allowed?

Posted by Admin on April 21, 2007

Nagkakaroon ng komosyon ang bawat Filipino sa Dubai nitong mga nakaraang linggo dahil sa bali-balita na madami ng napapauwi na visit visa holders dahil sa bagong batas na ipinapataw ng Dubai Immigration na apat na beses lamang pwedeng i-renew ang visit visa.

Ang komosyon ay nagsimula ng maharang at makulong ang apat na Filipina sa Dubai Airport pa-pasok ng Dubai galing sa Kish Island, makaraang mainspeksyon ang kanilang pasaporte ay napatunayan na mahigit apat na beses na silang nag renew ng visa.

Ngunit ayon sa Gulf News issue ngayong Sabado, April 21, 2007, hindi napauwi ang mga naturang Filipino ngunit sa halip ay nakapasok pa rin ng Dubai sa tulong ng Philippine Consulate Officials. Ayon din sa Gulf News, maliwanag na ang naaayon sa batas ay 60 days lamang ang visa at maari lamang i-extend ng 30 days. Ngunit ayon sa Philippine Consulate officials, hindi nila isinasa walang tabi ang naturang ordinansa ng renewal, ang kanilang kinukwestiyon ay kung bakit nag-iisue pa rin ang UAE authorities ng visa kahit alam nila na madami ng beses nag renew ang isang aplikante.

Kaya’t ayon sa aking pag-aanalisa sa naturang insidente maliwanag na hindi totoo ang informasyon na dulot ng naturang komosyon. Ilang beses ka mang nag-renew ng visit visa ay huwag matakot dahil siguradong makakapasok ng Dubai basta’t MAY VALID VISA SA IYONG KAMAY, kahit ilang beses ka ng nag-renew. 

Narito ang report ng Gulf News.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: