Middle East Filipinos

UAE visit visa renewal

Posted by Admin on April 30, 2007

Ayon sa Gulf News report, dalawang beses na lamang daw pwedeng mag-renew ng visa ang mga mga may hawak ng visit visa. Malaking kawalan ito sa mga Pinoy lalong lalo na ang mga nagta-trabaho sa mga hotels na nag-aasam pa rin na ma-employment visa. Sana ay magawan ng paraan ng gobyerno ng Pilipinas ang balakid na ito sa hanapbuhay ng mga pinoy. Sa kabilang banda ay may advantage din naman upang mabawasan ang mga napapahamak na Pinoy sa UAE, pero mas matimbang pa rin ang dahilan na madami ang nakaka-survive na visit visa holders at nakakatulong ng malaki sa ekonomiya ng Pilipinas at sa kani-kanilang mga pamilya.

Ayon din sa report ay siyam na buwan lamang ang maaring itagal ng visit visa holder sa UAE sa pamamagitan ng company visit na sa unang pagpasok sa UAE ay 2 mos + 1 mo extension at ang allowable na 2 renewals na aabot ng 6 mos.

Partikular ding binanggit ng report na hindi pwedeng mabigyan ng sponsorship ang mga Filipina na bababa sa 25 anyos. Iminumungkahi ng local regulating body na mag-isponsor sa pamamagitan ng family o kaibigan. Ngunit malaki ang kailangang sweldo para makapag-isponsor ka ng kaibigan o ka-pamilya.

Sa ganang akin ay, malaking kawalan ito sa mga Filipino, mababawasan ng kita ang mga travel agencies sa UAE at ang lubos na makikinabang ay ang mga may hawak ng employment visa na may mataas na sweldo. Bakit? Kase kaya nilang mag-isponsor ng tao na makapasok ng UAE ng walang limit hindi gaya ng normal visit visa, sasamantalahin nila ito at tatagain ang mga nagkukumahog na makapasok ng UAE.

Narito ang report ng Gulf News.

3 Responses to “UAE visit visa renewal”

  1. SELaplana said

    just inform you that your link request has been approved at the pinoy bloggers directory

  2. liza said

    nakalungkot ang naging desisyon ng philippine government para sa mga filipina na below 25 na gustong mag start ng magandang carrer sa UAE kasama ang mga kapamilya at kaibigan. 21 years old graduate kana ng college imbes na magtatrabaho ka na sa abroad sa UAE hindi tuloy matutuloy ang mga plano. kagaya ko na 24 pa lang dapat papunta nako ng UAE sa july para magtrabaho pero dahil sa baging batas na yan na pilinas ang may gawa baka di matuloy ang pagpunta ko. gusto ko ng magipon na magagawa ko sa UAE dahil medyo malaki ang sweldo di tulad dito sa pilipinas.

    nanawagan ako sa philippine government na pagisipan ang bagong batas na ito at isipin din ang career ng mga pinay na degree holder para makapag work sa UAE

    salamat

  3. marvin said

    papano napo yung mga namultiple entry nung mga nasa oman at kish anu ng nangyari sa kanila bakit kasi pinapahirapan makakuha ng visit visa ang mga pinoy samantala nagbabayad naman at anu naba ang bagong batas para sa mga visit visa? meron parin bang 2months visa?sana magawan ng embahada ang ganitong problema dahil mas marami ang nais mag exit kesa mag T.N.T

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: